Sa buhay estudyante ang High School Stage ang pinaka masaya at memorable sa lahat ng pangyayari. Puno ito ng mga alaalang hindi madaling kalimutan. Sa panahon din na ito ay mas marami ka nang kayang gawin na hahangaan naman sa iyo ng sobra. Ang High School Stage ay maraming kaganapan na kinasasabikan ng mga estudyante. Ang bawat mga kaganapan na ito ay talaga namang tumatatak sa bawat isa. Sa High School Stage rin nabubuo ang samahan at pagkakaibigan na hindi mapapantayan. High School din ang pinaka masayang alaala lalo na sa mga pagkakataon na nakakagawa ka ng gulo na hindi mo pa nagawa kailan man sa buhay mo. Kaya naman hindi rin mawawala sa parteng ito na makabangga ka ng iba't-ibang uri ng mga grupo. May mga grupong sobrang hinahangaan at mayroon namang mga iniiwasan at kinatatakutan. At sa hindi inaasahang pangyayari may isang tao na walang ideya sa grupong makakabangga nya. Pero isa syang walang pakialam at interes sa mga ito kahit pa harap-harapan na syang kinukutya at pinahihirapan. Hanggang saan kaya aabot ang gulo na naumpisahan ng isang babae at grupo ng mga lalaking kinabibilangan ng isang organisasyon ng mga estudyante sa loob at labas ng isang paaralan. ***** ItsLadyDreamer πAll Rights Reserved
1 part