MY NAUGHTY BRIDE
(MY OFW BRIDE SERIES 4)
Written by M.R.Galing
TEASER
ELISA CUTILLON, malambing, palabiro, pinakabunso sa limang magkakaibigang OFW. Para sa kanya'y hindi siya iibig sa isang banyaga, kung baga sa gamit gawang Pinoy ang gusto niya. Sertipikadong Pinoy ang nais niyang makasama habang buhay.
HAJII MOHAMMED, seryosong klase ng Arabo, 'di palangiti, pogi ngunit mapili sa babae. Ayaw niya ang minamanipula ang kanyang buhay kaya sabi niya sa sarili, 'di siya iibig ng isang Pinay dahil para sa kanya, makasarili at mapang-angkin ang mga ito.
Paano kung ang dalawang magkasalungat ng ugali at pananaw sa buhay ay 'di sinasadyang maging isa sa isang gabi?
Sa simbahan ba ang tuloy o sa walang katapusang bangayan?
Abangan!