Ang Prinsipeng Walang Palasyo(COMPLETED) [Soon to be published under PHR]
3 parts Complete ~SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR~
Once upon a time, there was a princess who could not live happily ever after...
Si Castle de Ayala ay miyembro ng isang sikat na clique sa Green Wood University, na kung tawagin nila ay The Royalties. Ito ang grupo na kinabibilangan ng mga tinaguriang prinsesa at prinsipe ng kanilang campus. At tulad ng ibang grupo ay may sarili din silang mga rules. Isa sa mahalagang rule na iyon ay ang tinatawag nilang 'quarterly evaluation'-kung saan papatunayan nila na karapat-dapat pa rin silang maging miyembro ng The Royalties.
At ang pinakahuling 'evaluation' ni Castle sa taong iyon ay paibigin si Prince Dimaano. Ito ang kasalukuyang presidente ng kanilang Student Council. Guwapo, seryoso at masungit. Nabibilang ito sa grupo na kung tawagin sa campus ay 'low profile'. Ito ang bansag nila sa mga mahihirap na estudyante ng Green Wood.
Pero nang makilala niya si Prince ay may napatunayan si Castle...Being a 'princess' is not enough to make him fall.