10 parts Ongoing Minsan, sila ang magkaibigang walang iwanan-ang tahimik na pintor at ang madaldal na filmmaker.
Magkaiba sa lahat ng bagay, pero pareho ang tibok ng puso.
Hanggang sa isang araw, nagbago ang lahat.
Nauwi sa hindi pagkakaintindihan ang lahat ng pinagsamahan, at tulad ng pelikula, natapos din ang "sila."
Pagkalipas ng limang taon, muling nagtagpo sina Cheska Dela Peña at Caleb Ramos dahil sa isang documentary project.
Ang dating mga alaala, unti-unting nabuhay.
Ang mga salitang hindi nasabi noon, bumabalik.
Pero gaya ng dati, kailangan nilang piliin-babalikan ba nila ang dati nilang "tayo"? O tatapusin na ang pelikulang matagal nang nasira?