-Maganda, Sexy, Cute, Matalino, Flawless, Poresless (kung may ganun mang word), Loving, Friendly, Leader like. Ayos na sana eh. Ayan na ngang pinagkakaguluhan siya ng mga lalaki sa kanilang school pero ni isa wala siyang pinansin. Sabi nga ng iba siya na daw ang pinaka swerteng babae sa school nila, pero eto siya laging nagsusungit.
Meet Gab a.k.a The Bitter Queen.
Wala nang papantay sa kapaitan niya. Siya na! Siya na ang reyna ng lahat ng ampalaya.
Pero lahat ay magbabago ng may mga maglakas loob na ligawan siya. Take note: MGA mangliligaw. More than one, but not less than one. Okay nahilo ako sa sinabi kong iyon. I will not take this much longer. Just read it!
Posh Girls Series Book 1: Paige (Completed_Published under PHR)
14 parts Complete
14 parts
Complete
"I told you I'm willing to give up my life for you. I'm not scared of dying. Mas takot ako kung ikaw ang mawawala. Because if that happens, wala na rin ako. You are my life."
Dahil anak ng senador ay de-numero ang bawat kilos ni Paige. At dahil din sa posisyon ng kanyang ama kaya nalagay sa panganib ang kanyang buhay. Kaya kahit ayaw niya ay ikinuha siya ng kanyang papa ng bodyguard-si Thaddeus.
Unang kita pa lamang ni Paige kay Thaddeus ay dama na niyang mas malaking peligro ang hatid ng lalaki, hindi sa buhay niya kundi sa puso niya. Bakit 'kamo? Ito lang naman ang kauna-unahang lalaking nagpabilis ng tahip ng kanyang dibdib. Tingin pa lamang nito ay gusto na niyang tumakbo palayo.
Pero para kay Thaddeus ay isang "bata" si Paige na kailangang i-babysit kaya raw papetiks-petiks lang ito sa pagbabantay sa kanya. Hanggang sa manganib na nga talaga ang buhay niya. Bigla ay dinoble ni Thaddeus ang pagbabantay sa kanya. At nawindang pa siya nang sabihin ni Thaddeus na ginagawa nito iyon para sa kaligtasan niya at para sa sarili nito. Dahil kaunting-kaunti na lang daw ay hindi na nito mapipigilan ang damdamin para sa kanya...