Precious Hearts Romances Laurice del rio Sa palagay mo ba, magpapahalik ako iyo nang basta-basta kung wala akong nararamdamang kakaiba para sa iyo, Hindi ako cheap, 'no!" Hi to jennylyn burnett. good luck sa pagpunta n'yo sa korea at pagkatapos ay sa US. Sana magbasa ka pa rin ng PHR books kahit may twang ka na magsalita.HE-HE-HE. Chapter one Naalimpungatan si rhys sa ingay na naririnig niya mula sa labas. pilit na iminulat niya ang mga mata.Medyo madilim pa ang paligid at antok na antok pa siya. "Will you please keep this blasted dog tied up!" narinig uli niyang malakas na sigaw na isang babae. Napakapamilyar sa kanya ng boses na iyon. Inuudyukan siya ng antok na antok pang diwa niya na humagip ng unan para itakip sa tainga niya at huwang nang pansinin ang ingay.pero base sa nangyari na dati, kung gagawin niya iyon ay hindi rin siya makakatulog nang maayos dahil patuloy na magbubunganga ang nasa labas ng gate hanggang sa mapilitan siyang harapin ito. So ,he might as well get the confrontation scene over and done with. Napamura siya nang maalala si Lolo Timo . Kapag nagising ito dahil sa pagbubunganga ng babaeng nasa labas ay mapapaaga ang penitensiya niya. Sa pagmamadali niyang bumangon, nadulas siya sa kumot na nalaglag sa sahig.Muntik pa siyang mapasubsub sa gilid ng dresser.Lalo tuloy uminit ang ulo niya