Kapag may gusto tayo sa isang tao - tayo ay naghahangad na mapansin. Hanggang sa kalaunan gusto natin na mahalin na rin nila tayo pabalik. Paano kung ang solusyon na lamang ay witchcraft?susubok ka ba? Kilalanin si Maurice na anak ng Governor na may gusto sa isang binata. Matagal niya na ito gusto at handang gawin ang lahat mapasakanya lang ito. Kung ikaw si Maurice susugal ka ba para mahalin ng taong gusto mo pero hindi ka naman talaga gusto?