Ito ay tungkol sa nakaktutuwa at makabuluhang kwento ng isang Accountancy Student. Ang buhay niya sa eskwelahan kasama ng mga worksheet, calculator at kung paano siya nakakuha ng mataas na marka sa Partnership and Corporation quiz. ( Note : kailangan mo tong basahin kung Accountancy Student para maipasa mo at mapagtagumpayan ang pagiging Accountancy). Nandito rin ang mga tips tungkol sa paggamit ng mga Assumptions. Dito mo rin makikita ang mga natatagong lihim sa Advance Accounting books na maging ang karamihan sa mga professor at instructor sa Accounting ay hindi pa nalalaman. Ito ang natatanging paglalahad kung paano ka makakalampas ng gate ng inyong eskwelahan kahit na naka incomplete uniform ka at walang I.D. Meron din ditong mga tips kung paano makiusap kay Manong Guard.. isabotahe ang GF ng crush mo at kung paano magiging makabuluhan ang isang cubicle na sira ang knob. Isa itong kwento na magbibigay inspirasyon sa kabataan na bumili ng Cheese Bites at ibahagi ito sa mga kaibigan. Dito rin matutunghayan ang halaga ng napkin sa pang-araw-araw na buhay at kung paano nito mababago ang tingin mo sa mundo. Ito ang mabusising pag dedetalye ng buhay ng estudyante sa loob at labas ng eskwelahan... isang mahusay na pagsasalarawan kung paano umibig..masaktan at masaktan pa at umibig muli at iwanan at umibig muli. Masasagot ang mga katanungan mo tungkol sa FOREVER... sa derivatives, sa variance at sa option price. at higit sa lahat .. ito ang kwento na may BACKSTORY ! ANG MASAKLAP NA KWENTO NI SARA. A story like no other!All Rights Reserved