Pero bakit ganun? Bakit kung kelan gusto na kita at gusto ko nang sabihin sayo, bigla ka namang magbibitiw nang ganung mga salita? Hindi ko maintindihan ang kaba at ang takot na nararamdaman ko ngayon. ~ Flashback ~ "Sab.." Tumingin sya sakin habang inaayos ang mga pinamili nya. "Bakit?" 'Sige na Gavin. Tanungin mo na.' Napalunok naman ako nang ilang beses bago muling nagsalita. "Ah may gusto lang sana akong itanong." Humarap naman sya sakin. "Sige ano yun?" "Diba nung minsang mag-usap tayo hindi mo natuloy sabihin sakin kung bakit ayaw mo pang magboyfriend." 'Grabe hindi ako makapaniwalang kinakabahan ako nang ganito sa harap nya.' "Ah yun ba?" Tumango naman ako. "Natatakot kasi ako." Walang pag-aalinlangan nyang sinabi sakin. "Natatakot?! Saan?" Narinig ko pa syang bumuntong-hininga. "Na baka pag may nalaman sila tungkol sakin, kamuhian lang nila ako at iwan kung kelan natutunan ko na silang mahalin." ~ End of Flashback ~ Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi nya. Hindi ko rin maiwasang paulit-ulit na tanungin ang sarili ko. 'Paano kung ako ang makaalam? Mamahalin ko pa ba sya o kamumuhian tulad nang sinasabi nya?' Kaya ko nga bang tanggapin kung anuman ang katotohanang yun na maaari kong malaman tungkol sa pagkatao nya? Natatakot akong dumating ang araw na yun. Gusto ko syang mahalin pero hindi ko alam kung hanggang kelan ko ito kayang panindigan. Ayokong ako ang taong yun na tinutukoy nya. Ayokong ako ang lumayo dahil sa hindi ko sya kayang tanggapin. Pero ayoko rin namang lokohin ang sarili ko. Alam kong maaaring ako yun. Alam kong posibleng ako nga ang tinutukoy nya at natatakot ako nang sobra. Pero paano ko malalaman kung ibabaon ko na lang ang nararamdaman ko sa mga takot na bumabagabag sakin? Paano ko masasabing mahal ko nga sya kung ngayon pa lang hindi ko magawang ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kanya?All Rights Reserved