Written By: BabyKoleengg PROLOGUE ~~ Nasa Sinapupunan ka pa lang, mahal na mahal ka na nya. Noong wala ka pang muwang sa mundo, Siya ang nagsilbing tour guide sa buong ride ng buhay mo. Unang lalaking minahal natin, minamahal at mamahalin pa. Lalaking naging Protector mo sa lahat ng oras. Tatay, Ama, Daddy, Papa at anu pa mang tawag natin sakanila, iisa lang ang turing natin sakanila. Ang tagapag taguyod ng ating Pamilya. Ang Una nating minahal sa buhay natin. Paano kung lumaki kang wala sya? Magiging masaya ba ang ride ng buhay mo? E kung bumalik sya tatanggapin mo pa ba? Paano kung huli kana? Tutuloy ka pa ba sa ride ng buhay mo, kahit wala ng magsisilbing tour guide mo?