Sabi nila, ang bawat tao sa mundo ay iba-iba.
Iba-iba ng mukha, pagkatao, personalidad, ugali, pamilya, pinagmulan, estado sa buhay at higit sa lahat...
Iba-iba ng kwento...
Pero kahit na iba-iba ang bawat tao sa mundo, para kay Dione ay higit siyang kakaiba sa lahat.
Dahil para sa kaniya ay nag-iisa lang siya, at wala ni isa ang katulad niya...
Ngunit ang paniniwalang yun ay unti-unting bumaligtad nang malaman niya ang sikreto ng kwintas na pinaka-iniingatan niya. At habang mas lalo niyang inaalam kung sino siya at kung anong meron siya, doon nagbago ang buhay niya.
Lalong-lalo na nang makita niya ng personal ang anim na lalaking laging gumagambala ng bawat panaginip niya.