Sierra Vida Series
Arabela Del Castello, ang nag-iisang babaeng anak ng alkalde ng Sierra Vida. Everyone in her town treats her as their queen. Every man wants her. Every woman wishes to be in her place. Family, money, fame. She has everything. Pero, tila kulang pa rin ang lahat para kay Arabela, may nais siyang makuha na hindi kayang ibigay ninuman.
Ngunit, sa sandaling madako ang tingin niya sa isang estrangherong inhenyero ay tila ba napunan ang tinutukoy niyang kulang sa kanyang buhay. Desedido si Arabela, gusto niya ang lalaki. Ito ang kukumpleto sa buhay niya. Subalit paano niya mapapa-ibig ang gwapong inhenyero kung hindi man lamang siya nito tapunan ng atensyon?
Ang mas malaking tanong ay kung sino ang lalaki at ano ang magiging papel nito sa kanyang buhay?
-
SWEET MIST OF DAWN
by: edmarcastiel
Category: Light Romance
Si Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran pero naging mailap ang swerte sa dalaga. Sa halos araw-araw, kabuntot na yata niya ang disgrasya, bagay na nag-connect sa kanya sa binatang si Bryan, anak ng balong doktor at may-ari ng ilang kilalang hotel sa Maynila. Sa unang kita palang ay nabighani si Bryan sa taglay niyang kagandahan. Pero tila pilit silang pinaglalayo ng tadhana. Pero darating ang ikatlong pagkakataon na muling magku-krus ang landas nila. May pag-asa kayang mabuo ang pag-iibigan sa pagitan nila? Gayong langit at lupa ang agwat nila sa buhay?