Si Gael? Ang gusto niya lang, tahimik na buhay. Malayo sa mayor slash sendikato niyang ama. Nakukuha ang gusto at kailangan niya mula sa sariling tyaga at hindi sa panlalamang at panlilinlang sa taongbayan. Kaya nga siya naglayas at namuhay gamit ang mga naipon niyang perang mula sa sariling sipag. He wanted to start a new. Kaya nga siya umupa ng sariling APARTMENT, to start a new. Pina-blessingan pa nga niya iyon pagkabayad niya, for a new beginning. Hindi naman siya aware na kakaibang new beggining pala ang inihanda ni Lord para sa kanya, kaya ganoon na lang ang gulat at sakit ng ulo niya ng makakita ng isang babaeng nagpapagpag ng damit niyang tulad lang din ng mga kaedaran niya na nagpakilalang pa ngang ANGHEL! Maniniwala ba siya, lalo na't kahit anong sampal niya at kurot sa sarili, lalo lang siyang sinasampal na totoong nangyayari yun at hindi panaginip?
©August 2021 @darlyYow
All rights reserved. All Rights Reserved
Read more