Ano ang iniisip ng bawat isa sa tirik na araw? Tanaw ang bughaw na langit, ramdam ang haplos ng hangin. Wala nang mas mapalad pa sa taong kayang masaksihan ang alon ng dagat, marinig ang huni ng mga ibon, masaksihan ang araw, maramdaman ang init, makita ang ganda ng kalikasan, at masilayang magkasalubong ang liwanag at dilim sa kalangitan. Sa tirik na araw, naiisip niya ay pag-asa. Pag-asa habang binibigkas ang isang awit, at habang umuugoy ang duyan...All Rights Reserved