Nasa kalagitnaan ka ng digmaan at pansamantalang tumigil ang putukan upang umabante ang inyong hanay. Sa hindi kalayuan, nakita mo ang isang sundalong gumagapang. Sugatan at hindi makatayo. Humarap siya sa iyo at natuklasan mong kalaban mo siya. Nakita mo sa mga mata niya ang takot, at itinaas niya ang kaniyang mga kamay. Ngayon, ikaw ay nakakaramdam ng awa at pagdadalawang isip. Ipuputok mo pa ba ang baril na hawak mo?