Magmahal ng walang hinihintay na kapalit, masaktan at paulit-ulit na bitawan ngunit mananatiling nagmamahal. Kayang gawin ni Shaina ang lahat para lang manatili ang isang relasyon na binuo ng isang pagkakamali. Kakayanin niyang manatili kahit paulit-ulit pa siyang masaktan. Dahil alam niya na kahit magunaw pa ang mundo wala ng tatanggap at magmamahal sa isang kagaya niya, kaya ayos lang na masaktan; ayos lang baliwalain, at ayos lang na hindi mahalin. Ang mahalaga may guwapo siyang asawa na umuuwi sa kanya. Hindi aasa, ngunit mananatili... Started: July 15,2021 Finished: Sept 1, 2021 Romance/short story written by: Saharazina©️ Cover: Astrid Jaydee