May mga pagod na nakukuha sa tulog pero may mga pagod na hindi nakukuha sa pahinga. Nakakapagod mabuhay sa mundong ibabaw, 'yung tipong mag-aaral ka tapos pag tapos mo mag-aral ng ilang taon kailangan mong mag trabaho ng maraming taon ulit, mag-iipon hanggang sa magkaron ng sariling pamilya, hanggang sa tumanda na at konti na lang ang oras para mag ligaya sa buhay. 'Yung tipong nandon kana sa gusto mo ngunit konti na lang ang oras ang natitira sa 'yo, pano ba maging masaya? Paano ngumiti ng walang iniisip na problema? Minsan ang kailangan lang talaga natin ay 'yung may makikinig satin, ang mapakinggan tayo kahit minsan.