Unofficially Yours

Unofficially Yours

  • WpView
    Reads 2
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 4
WpMetadataReadMatureOngoing
WpMetadataNoticeLast published Mon, Aug 16, 2021
Exactly 12 nun ng lumabas kami sa classroom ng dalawa kong matalik na kaibigan na c Peter at Jeff upang maghanap ng makakain. Hayy, Ewan ko ba, hangang ngayon 'di ko pa rin makakalimutan yung mga nangyari kagabi. Dagdagan pa itong napaka daming research papers na pinapagawa ng mga guro sa amin. Napabuntong hininga nalang ako. Habang kumakain kami, isang malakas na hampas sa mesa namin ang aming ikinagulat, pati ang mga studyanteng kumakain dito sa cafeteria. Tumingala ako.......si Paolo Kent, ang bestfriend ko ng Labing pitong taon. "Ano yun ha?" Singhal ni Kent na sobrang galit ang expression ng mukha habang nakatingin sakin. "Pwedeng bang mamaya na tayo mag-usap, kumakain kami oh" mahinahon kong sagot sa kanya. "Eh ano naman ngayon, wala akong pakialam." Sigaw nya. Nakakatakot ang mga titig nya, parang hindi na siya yung bestfriend kong maamo ang mukha. "Sabihin mo nga sakin at sa harap ng mga studyanteng nandito. BAKLA ka ba hah?" sabay harap sa lahat. " Gusto kong malaman niyong lahat na Bakla itong Jaylord." sabay tawa ng malakas. Tumatawa narin ang lahat habang nakatingin sa akin. "Tapos ka na?" Mahinahon ko paring tanong sa kanya?" "Bakit, nahihiya ka? Sabagay nakakahiya naman talaga yun. Hahaha. Di ko alam sa loob ng labing dalawang taon nating pagiging magkaibigan, pinagnanasahan mo pala ako nang 'di ko alam. Nakakadiri ka, ulitin ko, nakakadiri ka". pasigaw niyang sabi. "Pare tama na, pwede niyo naman 'yang pag-usapan ng pribado ah. Bakit kailangan mo siyang ipahiya sa lahat?" Awat ni Peter ky Kent. Hindi pa man sumagot si Kent sa kanya ay mabilis akong tumakbo palayo sa cafeteria upang takasan lahat ng mapanghugang mata kanina. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta ang gusto ko lang makaalis ako sa lugar na yun.
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • STRAIGHT
  • A World Of Our Own (BoyxBoy)
  • He's My Devilish BOSS [boyxboy] [COMPLETED]
  • Dorm of Mistakes
  • Sweetest Mistake
  • MY SISTER'S BOYFRIEND BOYXBOY (COMPLETED)
  • Hate That I LoVe You
  • Uncontrolled Love❤
  • I'M INLOVE TO MY COLD HEARTED PROFESOR
  • This Summer with Los Viajeros (Completed)
STRAIGHT

Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali't salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak... malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko. Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, barakada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa. NOTE: Read Everything I Have, Chakka at Nang Lumuhod si Father bago ito basahin dahil ang mga naunang nabanggit na nobela ay book 1, 2 and 3 ng nobelang ito.- Joemar Ancheta

More details
WpActionLinkContent Guidelines