Do you believe in second chances? Paano kung nabigyan ka nga ng pangalawang pagkakataon pero sa kakaibang sitwasyon. Susugal ka pa rin ba para dito kahit alam mo namang sa huli ay masasaktan ka lang ulit or will you let it slip away? Alamin kung papaano gugugulin ni Rhian ang second chance na ipinagkaloob sa kaniya. Anu-ano kaya ang willing niyang gawin para lang masulit ang pagkakataon na meron siya para muling makasama ang taong nag-iwan ng malaking espasyo sa pagkatao niya simula nang piliin niyang isuko ito dala na rin ng sitwasyon. Kahit pa ang taong ito ay isa na lang kaluluwa ngayon.