ISINULAT KO ITO para mas madaling maunawaan ng ordinaryong mambabasa ang klasikong akda na The Art of War, na isa sa mga paborito kong libro. Isinalin ko ang The Art of War sa Filipino mula sa Inggles ni Lionel Giles.
Sa aking pagsasalin ay sinikap kong gawing simple ang pananalita at iniwasan ko ang paggamit ng malalim na pananagalog. Halimbawa, ang salitang disposition sa Inggles ay isinalin bilang paghahanda, imbes na "disposisyon" na isang salita na mga nakapag-aral lamang ang gumagamit-at ilan lang sa kanila ang regular itong ginagamit.
Inilapit ko rin sa likas na nalalaman ng mga Pilipino ang pagtukoy sa mga yunit ng sukat, sa halip na isulat pa ang mga orihinal na sukat na ginamit ng mga Tsino noong unang panahon para mas madali itong makuha ng mambabasa.
Agosto 20, 2021
Kenny Roger Laconza