Iniwan dahil hindi sapat? Iniwan kasi hindi na siya masaya? Sobrang stressed na kung itutuloy pa yung nakakapagod niyong relasyon? Ganyan ang mga narinig ni Lois after makipag-break ng long time boyfriend niya. Paano nga ba niya mamahalin ang sarili kung alam niyang di siya kamahal-mahal? May darating bang lalake na kaya siyang mahalin sa hirap at ginhawa? And there's Kai, ang boss niya na kung tawagin sa opisina ay demon lord. Siya na kaya ang makakaayos ng magulo niyang buhay, or siya ang gugulo sa buhay ni Kai?