I am Avery Coolton, sabi nila nasa akin na daw ang lahat. Ang kayamanan, ang talino, ang mga bagay na gugustuhin ng lahat. Perpektong buhay kung baga. Pero di nila alam nagtatago lang ako sa isang maskara. Maskara na nagtatago ng totoong ako at totoong gusto ko. Ngunit ano nga ba ang gusto ko? Buong buhay ko mga gusto lang ng iba ang ginagawa at pinagtutuunan ko ng pansin at panahon, na hindi ko na nakita na wala na pala akong oras para sa sarili ko. Na kahit hindi na ako masaya ginagawa ko para lang walang masabing masama sa akin ang iba. Paano ba ako magiging masaya? Paano ba ako makakalaya? Paano ba ako magiging isang better version ng sarili ko? Kung... hindi ko na nga alam kung anong daan ang paroroonan ko dahil buong buhay ko ay naging sunod nalang ako ng sunod sa ipinagagawa at pinapa-tahak sa aking landas ng iba. Palagi nalang ba akong susunod sa gusto ng iba? O hahayaan ko namang masunod ang sarili ko para sa saring minimithing tagumpay. Para maranasan ko naman kahit papaano kung paano mabuhay ng ako ang nagdidesisyon para sa sarili ko.
3 parts