Sinuong ni Jai ang hirap sa lungsod ng Maynila para lamang matustosan ang pangangailangan ng pamilya maging ang pagpapagamot ng kan'yang Ama. Ngunit sa hindi inaasahang kamalasan ay napadpad s'ya sa isang kumpanya kung saan mas papahirapin ang sitwasyon n'ya. Ang pagtatagpo kaya nila ni Klein ay mananatiling bangungot sa buhay n'ya? O unti-unting hahantong sa damdamin na hindi na kayang mapigilan pa?