Noong unang panahon tahimik na namumuhay ang mga Elementalist, magkasundo pa ang bawat kaharian sa Elementalia sa pamumuno ni Queen Stellar Laylian Sangria not until umibig si Queen Laylian, ayos lang naman umibig ang isang reyna upang may humalili na rin sa kanyang pamumuno ngunit umibig siya sa hari ng Forbidden Land, ang hari ng Dark Kingdom na si King Damon Thanatos Blagden. Dahil doon ay naging agresibo ang bawat panig na humantong sa digmaan, nagtagal ang digmaan ng ilang taon at marami ang nasawi. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat nagbunga ang pagmamahalan nina King Damon at Queen Laylian ng kambal na babae na ipinanganak na may mga marka na sumisimbolong sila ang mga itinakda, ang nakasaad sa propesiyang mga pinakamakapangyarihan na naglagay sa buhay ng dalawang bata sa kapahamakan. Kaya sa kalagitnaan ng digmaan napagdesisyunan nina King Damon at Queen Laylian na itakas ang kanilang mga anak at nagpunta sa mundo ng mga tao para ihabilin ang mga anak nila sa kapatid ni Queen Laylian na si Selena na noon ay tumakas sa mundo ng Elementalia at ngayon kasalukuyang may asawa na itong tao ngunit walang anak. Masakit man mawalay sa mga anak pero kakayanin nina King Damon at Queen Laylian kaysa naman sa malagay ang mga buhay nito sa panganib. At same time kailangan nilang bumalik sa Elementalia upang matuldokan na ang digmaan na nagaganap. Subaybayan natin ang magiging buhay ng dalawang Prinsesa at ang kahahantungan nila.