Sa isang malaking unibersidad sa batangas ako nag aaral. BSIT ang aking kursong kinukuha. Dun ko nakilala ang isa pang nagpapatibok ng aking puso. Taga mabini, Batangas siya. Lage akong inspirado sa tuwing makikita ko si crush. Makita ko lang siya ay buo na ang araw ko. Tila kahit hindi na ako kumain ng tanghalian ay busog na ako Makita ko lang ang crush ko. Si SCHOOLMATE. Minsan wala na ako pakialam sa sinasabi ng iba na hinding hindi ako magugustuhan ng crush ko. Dahil artistahin daw yun samantalang ako e dugyotin. Sinabi ko na lang na tao din yun, kahit pa anung itsura nya e siguradong magugustuhan nya din ako kahit ordinary lang itsura ko. Sa tingin ko kasi malakas naman ang sex appeal ko kahit hindi ako artistahin. Walang taong perpekto. Lagi na lang ako nalilibugan sa tuwing nakikita ko ang aking crush. Siya na ata ang pinakamasarap sa aking paningin dahil katawan pa lang niya, ulam na. Kanin na lang ang kulang. Minsan, nagkasalubong kami sa hallway ng isang building kung saan may klase ako. Malayo pa lang alam ko ng siya iyon. Sobrang saya ko pag nakikita ko siya. Hindi ko alam kung anu iisipin ko pero sobrang saya ko. Pakiramdam ko type nya din ako kasi tuwing magkakasalubong kami nakatingin ako sa kanya at tinitignan nya din ako. Sa tuwing kinukwento ko sa mga kaklase ko ang mga nangyayari sa akin, sinasabihan nila akong Fil-Am. Feelingerong Ambisyoso. Masakit man kahit biro lang pero hindi ko na lang pinapatulan. Dahil ayaw kong masira ang araw ko na binuo ng crush ko. Minsan iniisip ko na magpakilala ng personal sa crush ko. Minsan gusto ko din ipagtanung kong anu ang numero niya. Gusto ko gumawa ng sarili kong hakbang para mas makilala si crush. Ang una kong ginawa ay hinanap ko siya sa peysbuk. Nakita ko naman siya. Hindi ko Makita ang iba niyang larawan sa peysbuk dahil hindi pa kami friends kaya ini add ko muna siya. Lumipas ang ilang araw, hindi pa niya ako ina accept. Naisip ko baka hindi pa siya nagpe-peysbuk. ITUTULOY...