Lighten the Darkest Past (Ongoing)
  • Reads 399
  • Votes 43
  • Parts 28
  • Reads 399
  • Votes 43
  • Parts 28
Ongoing, First published Aug 22, 2021
Jameela Ferdaus, isang simpleng dalaga na nakatira sa Maguindanao. Sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ay naglayas siya nang magpasya ang kaniyang ama na siya'y ikasal.

Sa hindi malamang pagkakataon habang ibinubuhos niya ang mga luhang nag-uunahang mag-alpasan, isang tao ang naglahad sa kaniya ng isang panyo kasabay ng mensaheng kailangan niya nang lumisan dahil sa nalalapit na panganib. 

Dinakma ng takot ang kaniyang puso nang maisip na baka iyon na nga marahil ang kaniyang ama. Nang makitang pumasok ang lalaki sa isang lagusan ay walang pagdadalawang-isip na kaniya itong sinundan.

Ano kaya ang mga maaaring mangyari? Kaligtasan nga ba talaga ang dala sa kaniya ng lalaking sinundan o mas matinding kapahamakan?

Date started: October 22, 2021
Background Photo of the Book Cover is credits to Pinterest
All Rights Reserved
Sign up to add Lighten the Darkest Past (Ongoing) to your library and receive updates
or
#3malik
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos