Siyam na buhay? Di kapani paniwala ngunit si yasha ay ganoon. Isang babaeng di karaniwang may kakayahan na ibalik ang oras sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay niya. Para sakanya mahalaga ang bawat buhay ng mga taong nasa paligid niya kaya handa siyang mamatay para lang sa kanila. May nakilala siyang babae na naging kaibigan niya at misteryo ang pagkamatay nito, nag imbestiga siya at nagulat na lamang siya sakanyang nadiskubre. Ano kaya iyon? Nang matapos niyang masolusyunan ang pagkamatay ng kanyang kaibigan ay inakala niyang magiging masaya na siya kasama ng taong pinakamamahal niya ngunit isang pangyayari ang hindi niya inaasahan at 'yun ay habang patungo sila, siya at kanyang mga kaklase at kaibigan sa isang museum sakay ng isang bus para sa photo album na gagawin ay nagkaroon ng aksidente. Bumangga ang kanilang sinasakyang bus, lahat namatay, driver man at kanyang mga kaklase maliban lamang sakanya. Pero paano kung ang kanyang siyam na buhay ay ubos na? at ang taong pinakamamahal niya ay nasa bingit na ng kamatayan? Ano kaya ang gagawin niya?