Story cover for Binibining Francisco (COMPLETED) by Eager_writer
Binibining Francisco (COMPLETED)
  • WpView
    Reads 1,173
  • WpVote
    Votes 377
  • WpPart
    Parts 23
  • WpView
    Reads 1,173
  • WpVote
    Votes 377
  • WpPart
    Parts 23
Complete, First published Aug 25, 2021
"Almost perfect" kung ilarawan si Cassandra Montemayor ng mga taong humahanga sa kaniya. Halos lahat ng magagandang katangian ay nasa kaniya na: maganda, matalino, mabait at mayaman. Ipinanganak din siyang mayroong maraming pribilehiyong tinatamasa sa buhay. Higit pa sa sapat ang kayang ibigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang at ang lahat ng kaniyang gusto ay kaniya ring nakukuha kaagad. Gayunpaman, hindi pa rin siya masaya sa kaniyang buhay dahil sa mga hinaing niyang hindi nalalaman ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

Isang araw ay nagising na lamang siya sa katawan ng isang ginoo na nabuhay sa taong 1860, panahon pa ng mga Kastila. Si Francisco Catacutan ay isang pangkaraniwang mamamayang Pilipino na naging biktima ng pananakop, pang-aalipin, katiwalian, pagmamalupit, kawalan ng hustisya, at bulok na sistema ng pamahalaan.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkapalitan ng katawan ang dalawang tauhan na siyang naging daan upang maranasan at maunawaan nila ang pakiramdam ng mabuhay sa estado at panahong kinabibilangan ng bawat isa.
All Rights Reserved
Sign up to add Binibining Francisco (COMPLETED) to your library and receive updates
or
#88truth
Content Guidelines
You may also like
 Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed] by Mr_wrights
2 parts Complete
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE ~•~•~• PIP Boys' Love Collaboration Series (Batch-) ~•~•~ Noong taong isang libo, walong daan at animnapu't pito, habang ang ating bansa, ang Pilipinas, ay nasa ilalim pa ng panahon ng kolonya ng Espanya, ang homoseksuwalidad ay itinuturing na isang matinding kasalanan, kasiraan, salot ng lipunan, at isang hindi makataong gawain. Ang sinumang mahuhuling nakikipagtalik sa isang lalaki o babae sa kapareho nilang kasarian ay sasailalim sa malupit na parusang maaaring humantong sa kamatayan; maglalakad silang hubo't hubad at walang sapin sa paa, puputulin o susunugin ang kanilang mga ari at pupugutan ang kanilang mga ulo. Si Tapioca Salvacion ay anak ng magsasaka. Iyan ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya, ngunit hindi ito nagiging sapat sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sapagkat kadalasan ay sinasamantala ng mga sundalong Espanyol ang kanilang sakahan. Dahil doon ay napilitan siyang magtrabaho bilang hardinero sa pamilya Garcia, isang pamilya ng mga Kastila na naninirahan sa Pilipinas; isang maimpluwensyang pamilya kung saan ang bawat miyembro ay eksklusibong opisyal ng gobyerno. Sa buwan ng paglilingkod sa nasabing pamilya, tila kinukuwestiyon niya ang sarili niyang damdamin. Kakaibang apeksyon, pagmamahal, kilig at kapayapaan ng loob ang kaniyang nararamdaman sa tuwing makikita niya si Heneral Isidro Garcia, ang anak ng amo niyang si Fredo Garcia, ang Gobernador-heneral ng bansang Espanya. Dahil nakatira sila sa iisang bubong, kaagad silang nagkasundo at nagkapalagayan ng loob sa isa't isa hanggang sa ang simpleng pagkakaibigan ay nauwi sa hindi maipaliwanag na pagtitinginan. Ngunit maaari nga bang magkaroon ng lugar ang kanilang pagmamahalan sa pagitan ng ipinagbabawal na relasyon? Paano kung ang kanilang pag-iibigan ay mauwi sa isang masaklap na kamatayan? May pag-asa ba na masisilayan pa rin nila ang bahaghari pagkatapos ng sakuna?
KASARINLAN: Saga of pinoy superheroes by ALABNGAPOY000
6 parts Ongoing
TITLE : " KASARINLAN - SIKALON ARC GENRE : Action , Superpower, History , Drama ,Romance , Fantasy Artist : Alab ng Apoy Type : Manga And Novel . Take note : Isa itong fantasy na may halong history ng pilipinas , Alternate world . . " Kalayaan, Pagkakaisa,Kapayapaan, Ang Tatlong Sagisag na kailangan ng Bansa laban sa mga pang aabuso ng mga dayuhan, Pero paano kung ang mga Sumisimbolo at Naghahatid ng bawat katangian ng mga ito ay Magkakasalungat ng Paraan at Paniniwala sa Paano tutulungan ang bansang kanilang dapat pangalagaan ? " . . PLOT - Sa higit na 500 years na pananakop ng Makapangyarihan bansa ng espanya sa pilipinas at ituring itong isa sa mga kolonyal nito , Dahil sa napakarami Pagkabigo at pagkatalo ng mga bayani at mga rebolusyunaryong pilipino ay unti unting nawalan ng matatapang na taong may paninindigan na bawiin ang lupang sinilangan sa kamay ng mananakop , Dahil sa kawalan ng liwanag ng pag asa ay tuluyang sumuko ang mga pilipino at tinangap na lamang ang pamumuno ng mga kastila sa kanilang bayan, Sa Lumipas na ilang daang taon ay naging malupit ang pamumuno ng mga kastila sa mga mamamayan ng bansa , nahati sa dalawa ang estado ng buhay ng mga pilipino sa pilipinas , Isa na rito ay ang mga Honorary Spaniard o " Hilaw " sa Katawagan ng mga Kastila , Sila ang mga taong tinalikuran ang pagiging pilipino upang maging Adopted Child of Spain upang makuha ang ilang prebilehiyo sa bansa . At ang mga Low Class Citizen o " Indyo " Sa katawagan ng mga Kastila , sila ang mga pilipinong nagmula sa mahihirap na pamilya na tinangalan ng napakaraming pribelehiyo at karapatan sa sariling bansa , Dahil sa mababang estado ng buhay sa lipunan ay madalas na inaalipusta at inaabuso ang mga ito at walang kakayahan na ipagtangol ang sarili sa kahit anong hukuman at korte sa bansa .
You may also like
Slide 1 of 10
 Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed] cover
His Brown Eyes ( Completed ) cover
Spitting Image (romantic suspense) (Completed)  cover
1898: As time goes back (UNTOLD STORY) cover
Pag-ibig, Sakripisyo, at Kalayaan cover
Diferente Caras de Amor cover
My Handsome Katipunero cover
Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series ) cover
KASARINLAN: Saga of pinoy superheroes cover
Hacienda De Ibarra cover

Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed]