Ang nanay ko at nanay mo ay magkaibigan... required din bang maging magkaibigan tayo? Ang tatay ko at tatay mo ay magkaibigan... required din bang maging magkaibigan tayo? Kung ang nanay ko at nanay mo ay magkaaway... required din bang dapat magkaaway tayo? Kung ang tatay ko at tatay mo ay magkakompitensya sa lahat ng bagay... required din bang magkakompitensya tayo kahit sa maliliit na bagay? Paano kung sabihin ko sayo na kahit magkaibigan o magkaaway man ang ating mga magulang eh wala akong pakeelam. Wala akong pakeelam sayo... Magkaibigan man ang magulang natin hindi kita kakaibiganin dahil hindi ko trip na maging kaibigan ka. Magkaaway man ang magulang natin ay wala akong pakeelam sayo. Hindi kita kakaibiganin hindi dahil sa magkaaway ang mga magulang natin... dahil hindi ko talaga trip na maging kaibigan ka. Magkakompitensya man ang ating magulang sa lahat ng bagay ay hindi ako makikipagkompitensya sa iyo dahil wala naman talaga... dahil hindi kita kaaway at hindi rin tayo magkaibigan. Hindi porket na magkaibigan ang magulang natin eh magkaibigan na rin dapat tayo at kung magkaaway man mga magulang natin eh aawayin kita. "Anong ugnayan natin?" "Kakilala... kaklase.... schoolmate... kapitbahay..." "Paano kung sabihin ko rin sayo na wala rin akong pakeelam kung magkaibigan o magkaaway man ang ating mga magulang." "Edi kwits na... ang ugnayan natin ay simple lang... wala tayong pakeelam sa isa't isa..." "Paano kung sabihin ko sayo na may mga bagay na required sa akin na lumapit sayo, sumabay papuntang eskwela, na kausapin ka, tanungin ka, kumustahin ka, at batiin ka sa araw-araw... papayag ka ba?" "Go lang... pero hindi ako required na gagawin ko rin ang mga bagay na gagawin mo." "Edi tayo ay--" "Magkakilala... magkaklase... at magkapitbahay. Huwag mo na akong kausapin. Tapos ang usapan."All Rights Reserved