Ang gusto sana ni Alleah ay makapag-asawa ng mayaman tulad ng naging kapalaran ng kanyang isang pinsan. Pero dahil sa kanyang mga kagagahan at kalokohan ay nagkaroon siya ng malaking utang sa isang mayamang lalaki, dahilan para tanggapin niya ang offer na maging yaya ng isang mayaman na bata. Nga lang ay naging boss rin niya ang lalaking mayaman na inutakan niya dahil magkapatid pala ang dalawa. Simula niyon ay mas naging aso't pusa pa sila ni Kael na kinauutangan niya. Makakabayad kaya siya? O makikipaglaro na lamang siya sa biro ng pag-ibig na pinasok niya?