Kristina Celestine Alcantara, bata pa lang ay natuto ng mangarap. Matayog ang kanyang pananaw sa kung ano ang kanyang magiging bukas. Mahilig makipagkompetensya lalo na sa larangan ng akademya. Lageh ay gustong siya ang nauuna, pinakamatalino sa lahat ng kaklase niya. Palaban at matapang kaya't akala ng iba'y maldita. Maganda at mapustura kaya marami ang naiinggit sa kanya. Hanggang saan kayang tanawin ng kanyang mga pananaw ang hinaharap? Magiging hadlang din ba ang pag-ibig sa kanyang matatayog na pangarap? O pangarap ang magiging hadlang sa kanyang pag-ibig?