Prinsesa Esperanza Olivia at si Prinsesa Hermoza Helia ay anak ng isang dakilang Hari na si Haring Clemente. Ang isa'y bunga ng pag-ibig at isa nama'y hindi inaasahang dumating. Ngunit kahit ganun pa man, nanatili pa rin na matibay ang samahan ng dalawa sa kabila ng kanilang pagkakaiba. Si Prinsesa Esperanza ay nakatakda ng ikasal sa kaniyang nobyo na si Prinsipe Alfonso ng kaharian ng Aeroqins na siya rin palihim na iniibig ni Prinsesa Hermoza ngunit dahil sa pagmamahal niya sa kaniyang kapatid ay ipinaubaya niya na lamang ito. Normal lang ang daloy ng buhay nila, ng mag-desisyon ang Reyna na ipagkasundo si Prinsesa Hermoza na ikasal sa Prinsipe ng Dilim kapalit ng kalayaan nito mula sa kalasanan ng kaniyang ina sa Reyna. Ano kaya ang maidudulot ng pagdating ng Prinsipe ng Dilim sa kanilang buhay? Ito ba ay bagong kabanata ng pag-asa? O ang siyang magwawakas sa pahina ng kanilang buhay?All Rights Reserved