Anong hiwaga ang nasa dako pa ruon? Bunga ng malikot na pag-iisip, hango sa balintataw, o halaw sa malikot na pag iisip. Masasabi mo bang totoo ang lahat ng iyong nakikita? Ikaw ba ay pinaglalaruan ng isang kisap mata? Di kayang maipaliwanag. Ngunit alam mong magaganap. Sadyang maraming kaganapan sa ating mundong ginagalawan ang di kayang ipaliwanag ng siyensiya. Huwag mo ipag-walang bahala ang mga pangitaing kakaiba. Ilan sa atin na bukas ang 3rd eye at me 6th sense at mas mapang- obserba, ay may kayang makatuklas sa mga kakaibang nahahagip ng sulok ng mga mata. Ikaw. Oo ikaw nga. Subukan mong mag isa sa isang madilim na lugar, at pakiramdaman ang iyong kapaligiran. Katunayan, yung isa sa kanila. Nariyan sa tabi mo. Malalaman at mararamdaman mo siya, hindi ka nag-iisa. Nariyan lang sila, nasa tabi mo, nakatitig sila sayo. Nagmamatyag at nag- aabang... Ano ang gagawin mo, kung bigla mo silang makita sa hindi mo inaasahang panahon? Kakayanin mo kaya? o habang buhay itong babalot sa yo ng katatakutan at sindak? Real-life chilling tales of supernatural, paranormal & horror. Read the stories and be terrified. Guaranteed na mumultuhin ka ngayong gabi. Gustuhin mo man o hindi.