Sa edad na kuwarenta, nagawang palakihin ni Hades Villanovan ang maliit na sakahan ng kaniyang ama. Naging isa siya sa pinakamayaman sa bansa. Puro business ang nasa utak niya at wala ng iba pa. Para sa kaniya, mas importanti ang pera kaysa sa anumang bagay, iyan ang numero unong patakaran niya sa buhay. Sagabal lang sa pagpapayaman niya ang mga babae at sakit sa ulo. Naging parausan lang sa kaniya ang mga babae at hanggang doon lang iyon. Akala ni Hades Villanovan ay masaya na siya doon. Sa hindi inaasahan ay nahulog ang loob niya sa taong hindi niya inakalang magpapatibok sa bato niyang puso. Sa 40 years niyang nabuhay sa mundo, niminsan ay hindi niya naisipang mahulog sa kaniyang ka-uri! Kaya niya kayang pigilan ang sinisigaw ng puso niya o tuluyan na niyang ipagwalang bahala ang numero unong patakaran niya sa buhay?