Si Allen ay Bente dos anyos, isang babaeng lumaki sa lansangan. Palaban na babae na kayang mamuhay ng mag isa dahil sa pagiging madiskarte at segurista. Kung anu-ano ang pinapasok niyang trabaho kasama na doon ang pagbabarker sa jeep. Tanging ang kanyang Lolo Andoy at Lola Stefa na lamang ang kanyang kasama sa buhay. Hanggang sa nakilala niya ang isang mayamang lalaki, si Thaddeus. Mayroon itong malaking kumpanya at maraming negosyo sa Pilipinas. Nabyudo ito dahil sa pagkamatay ng kanyang Asawa sa panganganak ng kanilang panganay na lalaki. Subalit, hindi alam ng ama ng kanyang asawa na patay na ito kung kaya't humanap siya ng ibang magpapanggap at sa kabutihang palad ay doon niya natagpuan si Allen. Ang nag iisang babaeng barkera sa Bayan. A/N: Nabuo ang konsepto istorya na ito habang nakasakay ako sa jeep at nag aabot ng bayad at sukli. xD 210826