"Sir! Liligawan kita! Hanggang sa makalimutan mo si Mira sa puso mo." Sigaw ko dito habang naglalakad ito palayo. Napahinto ito sa paglalakad. Nilingon ako nito. Bakas ang lungkot sa mga mata nito. "Tumingin ka na lang sa iba Sandy." Mahinang sabi nito. "In time! Mabubuksan ko ulit yang puso mo. Promise!" Muling sigaw ko dito. Hindi ko alintana na pinagtitinginan kami ng mga tao. Malungkot na nginitian lamang ako nito at nagpatuloy na naglakad palayo. "Sandy na ang susunod na laman nyan." Nakangiting bulong ko sa sarili.