Sa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Roni, mas malalim pa iyon. Marami siyang good memories kasama si Borj. Simula pagkabata hanggang high school, sa lahat ng makukulay na sandali ng buhay niya, naroroon ang kaibigan. At kahit nasaktan pa siya noong nagkahiwalay sila fifteen years ago, hindi niyon kayang burahin ang kanilang magandang pinagsamahan. Mayroon silang sariling mundo, at hindi niya kayang buksan iyon o i-share sa ibang tao-kahit sa sarili niyang boyfriend. At ngayong muli silang nagkita at parang hindi na ito ang Borj na kilala niya noon, sa dami ng sinesekreto nito sa kanya, hindi niya ito kayang tanggihan. Ganoon kaimportante ang kaibigan para kay Roni. O kaibigan lang nga ba? Bakit pati mga halik ng binata hindi niya rin matanggihan?
16 parts