Isa, dalawa, tatlo ilang bakasyon nga ba ang nag daan mula ng iniwan kita. Masakit man isipin oo, iniwan kita. Iniwan kita ng walang sapat na salita para malinawan ka. "Sige payag ako, katuwaan lang naman diba? Walang seryosohan ha." Mga mensaheng walang katiyakan sa mga mangyayari, siguro nga dala na din ng sayang bumabalot sa puso't isipan. "Magandang umaga, gising ka na, wag mong kakalimutan na kumain ng agahan ha, mahal kita." "Oh madami ka atang ginagawa sige unahin mo na sila... Ikaw lang naman diba? Mahal na mahal kaya kita" kahit lokohan lang naman. Pero sino nga bang hindi makakaramdam ng mga paru-parong mararamdaman mo sa iyong tiyan at kuryenteng dumadaloy mula ulo hanggang paa na nararamdaman lamang ng isang abnormal na nilalang. Abnormal nga ito kung tutuusin pero isa itong normal na kalagayan para sa mga nakakaramdam ng pag aaruga mula sa kanya na may kasamang katiting na pag mamahal. "Oo...sige...nandito pa....hello...nakikinig lang ako...umuwi ka na gabi na...kantahaAll Rights Reserved
1 part