Girls' Ideal boyfriend list:
✘ Mafia Boss
✘ Gangster
✘ Bad boy
✘ Prince
✘ Celebrity
✔ ENGINEER.
Nung bata pa ako, gusto kong magkaroon ng boyfriend na astig at tigasin. Yung tipo na nagkasalubong kayo sa hallway at hindi mo sinasadya na mabunggo sya dahil sa pagmamadali mo. Tapos, matutumba ka, pero bigla ka nyang sasaluhin. Pagkatapos, malalaman mo na sya pala yung sikat na bad boy na kinakatakutan ng lahat pero dahil hindi mo alam nung una, sinigawan at iniway mo sya. At dahil ikaw ang unang babae na gumawa sa kanya ng ganoon, magkakagusto sya sa'yo at gagawa sya ng efforts para mapansin mo. Yieee, grabe! Naiisip ko pa lang, kinikilig na ako!
Hep, hep! 'Wag nyo naman akong i-judge agad.
O, bakit? Kayo ba, kahit minsan, hindi nyo pinangarap na maging si Aemie ng "My Husband is a Mafia Boss?" o kaya si Naomi ng "Operation: Break the Casanova's Heart?" Kahit si Candice ng "The Four Bad Boys and Me" at Zein Shion ng "Hell University" hindi nyo kinainggitan? Hindi nyo rin ba na-imagine na ikaw si Daniella ng "Ang Boyfriend Kong Artista?"
Kung hindi nyo naisip yung mga binaggit ko kanina sigurado dito, oo ang sagot nyo. O, maging honest kayo, ha? Di kayo nainggit kay Athena ng "She's Dating the Gangster" at Miracle ng "Talk Back and You're Dead?"
Kung hindi, mahina ang childhood mo hahaha!
Anyway, hindi na ako bata ngayon at naisip ko na imposible na magkaroon ako ng boyfriend na mafia boss, gangster, celebrity, prinsipe, at bad boy. Aba, mahal ko pa ang buhay ko 'no!
Pero, hindi imposible kung engineer ang magiging boyfie ko. Bakit? Simple lang. Gusto kong ma-experience maging si Snow, Amber, Zariyah, at Soleil. O, di nyo pa rin ma-gets? Baba rin tayo ng budok paminsan-minsan, hahaha!
Ang mga "ka-fling" kasi nila, (words from Soleil, not mine) ay engineer at lahat sila loyal, smart, rich, athletic, at higit sa lahat, ehem, gwapo at may yummy abs!
Pero, parehas kaya ang description ng mga engineer sa libro at sa tunay na buhay?All Rights Reserved