"Dear Diary", alam kong gasgas na ang salitang yan,. Sa dami-dami kasi ng mga taong tinetreasure ang lahat (pati masasakit na kaganapan) eh totoong hindi parin mawawala yan kahit mawala na ang lahat. Sa tuwing naririnig at nababasa mo yan, alam mo na agad ang next episode-Ang pakinggan o basahin ang kuwento ng isang scene sa buhay ng taong nagsusulat. Uso parin yan sa mga elementary, Highschool. at kolehiyo. Corny man pakinggan pero ganyan talaga. Tatlo lang ang dahilan ng tao kapag nagsusulat sa Diary niya:
1. Loner siya kaya sinusulat nalang niya dahil akala niya wala namang makikinig;
2. Nahihiya siyang ikuwento mga nangyari
3. Writer lang talaga siya. Loooool
Hindi ko alam kung nakakain ba ako ng bubog o hindi nakatae ng isang taon para isulat at ipaalam ang nangyayari sa buhay ko. Thousand times ko na yatang inisip to. Pero isa lang ang theory ko, at yun yung malaman ng lahat ang realidad ng buhay ng isang teenager kung papano tayo nagiging masaya, nalulungkot, nagagalit, nasasaktan, nahihiya, umiiyak, nanghihina, nadadapa at muling tumatayo.
Start na to ng mga scenes sa movie ni Princess Mercado. Rooooock na Thiiiissss!!!!!!!:)
FACEBOOK IS MY LIFE.
That's me. I don't have any friends. Lagi akong binubully sa school.
"Matalino nga panget naman!"
"Ms. Nerd! Hahaha."
"What is your knowledge if your face is damage!!?"
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko kapag dumadaan ako sa corridor. Gusto kong mainis kaso naiisip ko, totoo naman lahat ng sinasabi nila eh. Anong karapatan kong magalit?
Oh by the way, my name is
Lorraine Jeshekhenie G. Evangelista. I am 16 years old. I am in 4th year high school. Top 1 sa klase. Pero walang friends. Kasi nga lahat ng nagiging kaibigan ko, tinutukso rin sa school. Kaya kahit naaawa na sila sakin, gusto man nilan akong tulungan pero ayaw rin naman nila mabully eh. At kahit sa bahay, my parents are busy. They always say na para sakin lahat ng ginagawa nila pero what I need is their time for me. I don't need much material things. What I need is TIME. Na hindi man lang nila maibigay sakin. Kaya sa bahay, I used to use my gadgets everyday. Also, NBSB ako. This is mah life...