Minahal kita ng higit sa akala mo. Kung sa tingin mo bale wala ka lang sa akin nagkakamali ka. Simula pa lang alam mo na hindi ako showy sa kung ano man ang nararamdaman ko. Mahirap para sa akin na ipakita ang nararamdaman ko dahil natatakot ako. Natatakot ako sa sasabihin na iba tungkol sa atin. Natatakot ako sa kung ano ang magiging tingin nila sa iyo sa tuwing makikita ka nilang isang katulad ko lang ang iyong kasama. Oo, may takot pa rin ako sa mga matang mapanghusgang na meron ang lipunan. Ano ang maaring kahinatnan na ating relasyon oras na malantad ito? Ano ang sasabihin nila tungkol sa 'yo? Tungkol sa akin? Dadating pa kaya ang panahon na magiging normal ang klase ng relasyon na meron tayo sa mata ng nakakarami? O habang buhay na lang nilang huhusgahan ang mga relasyon katulad ng sa atin.