"Never get too attached to someone, because attachments lead to expectations and expectations lead to disappointments." - Anonymous Naranasan mo na bang umasa? iyong tipong hulog na hulog ka na tapos akala mo sasaluhin ka nya tapos nung malapit ka ng bumagsak bigla ka nyang iiwan sa ere kaya't naiwan ang pusong mong basag na basag? Yung akala mo dumating na si The one mo , yun pala si The One that Got away pala. Yung feeling mo sya si Mr. Right yun pala may iba syang ms. Right? Yung may nagtetext sayo palagi ng goodmorning, kamusta araw mo? , goodnight at sweetdreams , tapos yun pala naka send to many? Yung nilike nya lang yung post mo sa facebook kilig na kilig ka na , yun pala sadyang autoliker lang sya? Yung akala mong ikaw lang yung kachat nya pero hindi mo lang alam daming chatbox ang nagpopop-up sa kanya. Yung sweet sya sayo pero habit nya din pala yun saibang girls? Ganun talaga, sa laro ng pag-ibig may mananalo at may matatalo. May sobrang ligaya at may maiiwang luhaan. May mga handang ipaglaban ang minamahal nila at may mga kuntento ng masulyapan lang kahit saglit ang mahal nila. May mga umasa din, may mga patuloy na umaasa at may mga aasa pa dahil syempre mawawala ba naman sa larangan ng pagibig yung mga taong PAASA O PAFALL? Ikaw ba san ka lulugar ?