Si Nyl ay isang masayahing babae, always naka smile, always positive, medjo may pagka boyish at puro lalake ang mga kaibigan niya, mahilig siya sa mga online games, lalo na yung dota. she's a dota girl! siya yung tipong hindi matalino, average lang pagdating sa academics, pero angat siya pag dating sa extra curricular activity. Si Jinwoo naman ay isang tahimik na lalake, matalino, pero palagi siyang naka poker face, laging naka suot ng hoodie at cap, isa siyang malaking ANTI-SOCIAL na tao. One day, pinatawag ng principal si Nyl, para humingi ng tulong para pasalihin si Jinwoo sa school activities, si Nyl kasi yung president ng school nila. Ano kaya ang mga gagawin ni Nyl para mapasali si Jinwoo sa mga activities?