This Time... ( COMPLETED)
40 parts Complete MatureHighest ranking #53 in FanFiction
" Richard, buntis ako. "
" What?! "
" Narinig mo Richard, hindi ko na kailangang ulitin. " sabi ko habang mataman ko syang tinitignan. Nandito kami sa isang restaurant sa Makati.
" Pero sa akin ba talaga yan? "
Isang malakas na sampal ang sinagot ko sa tanong nya. Buti na lang at nasa sulok kami kaya walang nakapansin sa nangyari.
" How dare you! Alam mong wala akong boyfriend. Nag pa check up ako sabi ng OB ko, six weeks na ang bata sa tyan ko, exact date kung kailan may nangyari sa atin. "
Natahimik si Richard, halatang nagulat sya sa sinabi ko.
" I don't expect you to marry me dahil sa nangyari, I know you won't. Sinabi ko lang sayo para hindi mo maibabalik sa akin ang sisi kapag nalaman mo pa sa iba. " I said with conviction. Sa ganitong paraan man lang maipakita ko sa kanya na hindi ako nadurog sa reaksyon nya.
Pero sa loob ko, durog na durog ako. Hindi ko alam kung mabubuo pa akong muli.
Start : September 22, 2017
End: December 5, 2017