Bakit may mga pag ibig na pwedeng mag simula, malayang simulan pero hindi pwedeng mag wakas ng masaya? Bakit may mga pag ibig na totoo ngunit sa huli ay hindi pa rin pwedeng magkatuluyan kahit na ginawa na ang lahat? Bakit pa pinagtatagpo ang dalawang tao kung sa bandang huli ay hindi rin pala sila pwede? Why love goes wrong? Sabi nila, kahit kailan hindi naging mali ang pag ibig. Pero bakit para kay Amaranthine, kahit kailan ay hindi ito naging tama at masaya sa buhay niya?