LAURA Si Laura ang babaeng mataas ang pangarap para sa sarili. Pangarap niyang makapag-asawa ng mayaman para makaahon sa kahirapan. Pero nagbago ang pananaw niya ng makilala si Maxwell. Hindi ito mayaman pero lihim siyang umibig dito. Trinaydor siya ng itinuturing niyang kaibigan at nalaman ni Maxwell ang kanyang tinatagong sekreto. Namili siya at pinili ang taong nagpapasaya sa kanya ngunit saka naman ito nawala sa buhay niya. Magtatagpo muli ang kanilang landas, ngunit paghihiganti ang pakay nito sa kanya. Malalabanan ba ng pag-big ang galit sa nakalipas na panahon o mananatili siyang masasaktan? _ELEELI