Nung una ko siyang makita, akala ko wala lang. Pero nung natitigan ko yung mga mata niya, hindi ko alam. Habang tumatagal, sa t'wing mkikita ko yung mga mata na iyon, malalim na ang ibig sabihin. Akala ko sa kwento lang yung sinasabi nilang "butterflies in the stomach". Yung para bang nahihilo ka, masusuka ka ba o matatae. Hindi mo maexplain. Ako rin naman, hindi ko maexplain. Pero kahit iba ang pakiramdam sa katawan, gustong gusto mo. Yung tipong kahit hindi maganda ang pakiramdam mo physically, nagagawa mo pa ding ngumiti. Parang tanga diba? Kaya siguro, nasulat ko ito. Pero kahit ilang nobela pa ang maisulat ko para sa kaniya, hangga't sa hindi ko masabi sa kaniya ng personal, malalaman kaya niya? Mararamdaman kaya niya? Bakit bus? Kasi dun ko siya unang nakilala... Enjoy reading.