Blurb
Nueva mundo Nueva tu, ang mundo na may kakaibang taglay na mga mahika, kapangyarihan at iba pang mga elemento na namumuhay rito. Ang mundong ito ang tutupad sa mga bagay na hindi niya nararanasan sa tunay niyang mundo. Ang Nuava Tu ang makakapag bigay sa kanya ng tunay na ibig sabihin ng halaga.
Si Yashavellia, isang working student na naninirahan sa probinsiya, ay nagnanais lang na maging masaya. At matatagpuan ang sariling nasa ibang kakaibang mundo, kung saan mararanasan niya ang mga hindi nya nararanasan sa tunay niyang mundo, at ang magiging bago niyang katauhan sa mundo na puno nang kapangyarihan.
Sa pagdating niya sa bagong mundo, ano ang matutuklasan ni Yashavellia tungkol sa kaniyang sarili? Paano nga ba mababago ng isang mundong puno ng kapangyarihan ang paniniwala niya?
Started:September 2021
Continue:May 2022
Ended:October 30,2022
[ WATTYS 2021 WINNER | Fantasy ]
[ TALE #1 ]
Noong siya ay musmos pa lamang, laging kinukuwentuhan ng kaniyang ina si Yuyami tungkol sa isang mundong puno ng hiwaga, ang Evernight. Laman ng kuwento nito ang tungkol sa Maleficis, ang dakilang mangkukulam, at kung paano niya pinakalat ang pag-aalala, takot at kadiliman sa buong kalupaan na iyon. Laman din nito ang iba't ibang tauhan na may taglay na kapangyarihan.
Lumaki siya na akala niya ay kakaiba siya dahil sa taglay niyang katangian. Kaya niyang maglabas ng usok at magpagaling ng mga sugat. Kaya niya ring gumawa ng liwanag at maging taong lampara.
Paano kung totoo pala ang kakaibang mundo na laging binabanggit ng kaniyang ina noon at nabibilang siya roon?
Paano kung mapadpad siya sa mundo na akala niya ay kathang-isip lamang?
Ngunit sa pagdating niya roon, kailangang maitago niya ang kaniyang katauhan.
---
Simula: January 2021
Wakas: May 2021
(COMPLETED)