Mahirap umasa sa wala. Mahirap magtanong kung meron ba. Mahirap mag-expect na meron nga ngunit wala naman pala. Masakit malaman na ang hinintay mo nang kay tagal, mawawala rin pala.
Mahirap umasa.
Pero mas mahirap umasa sa taong alam mong pinapaasa ka na nga, umaasa ka pa rin.
Pinakamahirap yung umaasa ka sa taong hindi rin nya alam kung ano ang tunay nyang nararamdaman para sa'yo.
Ewan?
Magulo.
Basta.
Aasa ako.