Siguro simpleng estudyante lang ako, kolehiyala na nanibabago padin sa sistema ng bagong pamamalakad na kinabibilangan ko pero kahit ganunpaman aware ako sa mga changes na pinasukan ko. Ito na rin siguro ang isa pang pagyapak ko sa magulong yugto ng buhay ko.
Ako nga pala si Thea Cabillan, 17 years old ako ng pumasok ako sa Pasig Catholic College. Which is school ko din siya ng highschool ako. Sabi pa nga nila nagbabalik loob ako sa aming eskwelahan.
Simple lang naman ako, walang arte sa mga bagay-bagay. Madali saking makisama, makipagkaibigan, makipag-usapan pero sa mga piling tao lang. Yung pag ngiti nga ang pinaka biggest assest ko kasi sa ngiti ko nalalaman nila kung ano ako. Mabait ako sa mabait pero masama ako sa masama, magalang naman ako sa mga taong karespeto-respeto. Highschool pa lang naituro samin ang "Respect is earn, not given" Kaya pinanghahawakan ko yung ganon turo sakin. Maldita, Masungit, Suplada, Pala-irap ako pero nabawasan ko yon kasi mas pinili kong maging tahimik nung umakyat ako sa kolehiyo, Mas gusto kong dumepende sa sarili ko, Yung tipong ang mundo ko lang ay ako at pag-aaral ko. Sawang sawa na siguro ako sa mga kaibigan na plastic, mang-gagamit at kilala ka lang pag may kailangan. Kaya mas naging matinik ako sa pamimili ng kaibigan. Mas malaki ang tiwala ko sa sarili ko na makakasurvive ako ng college kung kakayanin ko ang hirap kasi alam ko di ako iiwan ng panginoon sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Dahil alam niyang kaya ko, pero itong pagsubok na kinahaharap ko ngayon ay isa di ko kayang iresolba mag-isa, nakakapanghina ng loob at nakakalugmok sobrang sakit. Yung pangarap kong biglang naglaho, parang hustisya na sinisigaw ko na hindi man lang maibigay-bigay sakin. Isa tong malaking diskriminasyon sa isang tulad ko, pagkat ako hamak na istudyante lamang at wala pang nararating ay wala ng kakayahan para makatikim ng katarungan.